31

Wednesday, December 30, 2015

0 comments
Two months have passed
Two months seemed so fast
Two months we have surpassed
Two months now in the past

One month of us is filled with love and surprise
Now two months have passed, all these came twice
I was not able to memorize every little detail
But I know I was mesmerized like it was a fairy tale

Your charming eyes, they're fierce and wild
Your warm touches, they're soothing and mild
Your soft, innocent lips, always asking for more
Your love is nothing like anything I've felt before

We are a perfect fit
You make me feel complete
I'm in love head over feet
For you, I will never quit

For the everyday that you care
For all the moments that we share
For all the things you made me feel, unaware
For this true love that is special and very rare

I wanna show you my appreciation
I wanna give you all the love and affection
Through every twist and turns of our emotions
I'll make sure there'll be no any hasty decisions

I'll always be beside you
I would never ever leave you
Because everything that I love
Is everything that you have

All my dreams came true
When you told me you love me too
And I'll do everything that I can do
For us to make it through

Through every fight that we'll had
Through every drought or flood
Nothing will seem so bad
When you're holding my hand

And if love's a battle, we've already won
Because the two of us have become one
And we know it can be undone
Ever since our love began

My love, I am really proud to say
That I truly loved your way
Let me have this chance to say
Thank you for our every day

Gone by was November and December
Gone by was two months of our forever
But my love will never be over
Because I am yours and I am your lover

What lies ahead is a different story
What lies ahead, we should not worry
Because no one else will be meant to be
But my loving you and your loving me
And I am both nervous and excited to see
What happens next when it turns three

ANG HULING LIHAM

Sunday, October 25, 2015

0 comments
Yay! New blogpost! :))) Itong bagong entry ko, hindi ko siya ginawa sa jeep. pero kebs lang naman. nasulat ko siya habang nagsstroll sa acad oval sa UP. Err, disclaimer lang, para sa mga bata, may mga bahagi yung blogpost natin ngayon na hindi angkop sa inyo ha. Wag niyong gagayahin yung mga terminolohiyang alam niyong hindi para sa inyo. Alam niyo na yun, di ba? :))
Okay ang daldal ko ngayon, wew. Ito na siya, sana matuwa kayo.

Ito nga pala ang EP ng Canadian band na Alexisonfire, ang Death Letter.


ANG HULING LIHAM

Kung akala mo kailangan kita
Nagkakamali ka
Isa ka ng gusot gusot na palara
Na pakalat kalat lang sa lupa
Na basta basta na lamang sinisipa

Isang bumbilyang patay-sindi
Na hindi na makumpuni
Nakakairita, nakakarindi
Mas malala ka pa sa napundi

O kaya'y salaming may mantsa
Na kahit anong punas, di na mabubura
Wala ka ng makita, kundi mga marka
Mas maganda pa ngang mabasag ka na

Oo! Mabasag, madurog, magpira-piraso
Tapak tapakan, itapon parang upos ng sigarilyo
Hindi na kita kailangan, sino'ng niloko mo
Hindi na kita kailangan, wala ka na sa mundo ko

Sa lahat lahat ng ginawa mo sa kin
Bakit pa kita kakailanganin?
Sino'ng gusto mong patawanin?
Wala akong balak na ika'y patawarin

Kung pwede lang kitang saktan, siguro ngayon baldado ka na
Kung pwede lang kitang itapon, siguro ngayon nagliliyab ka na
Kung pwede lang kitang lunurin, sa mga lamang dagat, pinakain na kita
Kung pwede lang kitang kalimutan, sana nga pwede talaga

Dahil sa isipan ko, di ka maalis-alis
Puso ko'y napupuno ng galit at pagkainis
Bakit tila ba sa ating dalawa ako pa yung labis
Na nahihirapan, napapagod, at nagtitiis

E sa ating dalawa, ako dapat ang lamang
Ikaw yung nawalan, ako ang nakinabang
Ikaw pa ang may gana ngayong magyabang
Na ikaw ay aking kinakailangan

Ulol! Tanga! Sira ulo!
Walang bahagi mo ang kailangan ko.
E bakit ba sinulat sulat mo sa liham mo
Na ika'y kinakailangan ko?

Sabay nakita ka na lang na hindi humihinga
Nalulunod ka sa kama na tila ba namumula
Hawak ang patalim na sa sarili mo'y bumiktima
Katabi ang liham para sa akin na di ko man lang agad nabasa


"Para matapos na ang paghihirap natin
Ay kailangan ko nang gawin ang dapat kong gawin
Dapat nang tapusin ang dapat tapusin
Mula ngayon hindi mo na ako kakailanganin."

Kailangan kita, sino bang niloloko mo?
Kaya kong magsinungaling basta para sa'yo.
Kailangan kita, ikaw ang mundo ko,
Kung pwede lang na ibalik ka sa mundong ito

Kung sana lang nabasa ko
Ang huling liham na sinulat mo
Ako mismo ang magpaparinig sa'yo
Nang mga linyang sana'y naihanda ko

Mga kasinungalingang gawa-gawa
Upang kalooban mo sa aki'y sumama
Mga kasinungalingang nilikha
Upang mapigilan sana ang iyo nang nagawa

Ngunit dahil huli na ang lahat
at wala na akong magagawa
Akin na lamang isinulat
Sa unang siyam na talata nitong tula

Pagbabalik

Thursday, October 15, 2015

0 comments
Hey yo peeps! This is a good day for a new blog post, so ito na siya. Sana maenjoy niyo siya.
Busy days lately pero push lang nang push sa mga entry haha.

Ito ang debut album ng rockband na RTZ, ang Return to Zero.


PAGBABALIK

Ang mundo'y sadyang kay kulit
Kada atras ko palayo ay siyang hila mo palapit.
Lahat ng pilit kong ginugupit
Ay iyo namang pilit ipinagdidikit.

Bakit nga ba umabot sa ganito?
Gusto mo pang pasilabin ang abo.
Gusto mong ibalik sa dalawa ang tatlo.
Gusto mong paatrasin ang mundo.


Wala na ba talaga akong magagawa?
Ako'y nandito't nagmamakaawa.
Wag ka naman sana agad magsawa.
Wag mo naman ako pilit iluwa.

Pangako gagawin ko ang lahat
Kahit ako pa ang magbuhat.
Makasama sa umaga hanggang sa magdamag
Para sa aki'y higit pa sa sapat.


Kahit anong pangako pa ang iyong bitawan
Pangakong hindi kita babalikan.
Wag na wag mong kakalimutan
Ang mga dahilan kung bakit kita iniwan.

Ayaw ko na, ayoko talaga.
Wag ka na sa akin magpapakita.
Para sa akin, wala ka ng halaga.
Pwede bang umalis ka na?


Hindi. Hindi ako aalis.
Wag ka naman magmalabis.
Sobra ka ba talagang naiinis?
Alam kong di mo ako matitiis

Maaaring ika'y nakukulitan.
Hindi ako namimilit naman.
Pero sino pa ba ang aking kakapitan?
Ikaw lang naman ang nag-iisa kong sandigan.


Ano bang ipinagsasabi mo?
Pwede bang tigil tigilan mo ako?
Di mo ba alam, ayoko na sa'yo?
Oo! Ayoko na talaga. Ayoko.


Wag ka naman ganyan.
Paano naman ating pinagsamahan,
Basta basta mo na lang bibitawan?
Ganun ba talaga ako kadaling kalimutan?


Oo! Sa totoo nga, sino ka nga pala?
Kinalimutan na yata kita.
Wala na akong maalalang kasama ka.
Kaya kung ako sa'yo, umalis ka na!


Ah ganun!? Aalis na nga ako!
Ayaw ko na sa'tin, ayaw ko na sa'yo.
Makakahanap naman ako ng bago.
Yung taong sobrang kabaliktaran mo


Osige! Umalis ka na! Di naman kita kailangan.
Ang mahahalagang oras ko'y sinasayang mo lang naman.
Kahit umalis ka nang walang paalam,
Wala naman akong mararamdaman

Ano itong tumutulo sa aking mga pisngi,
Luha ba ng kalayaan o luha ng pighati?
Bakit naaalala mga sandaling magkatabi?
Ano ba ang nagawa ko, ako ba'y nagkamali?


Dapat talaga nakinig na ako sa aking mga kaibigan.
Wala siyang kwenta, dapat matagal ko nang kinalimutan.
Nagmakaawa pa ako, nakakahiya naman.
Nabuhay naman ako noon nang hindi siya kinakailangan.


Binabangungot ako ng iyong mga halik.
Hinahanap-hanap ang mahinhin mong hagikgik.
Sa iyong muling pagdating, ako'y nasasabik.
O kelan ka kaya magbabalik?


Di na talaga ako babalik sa kanya,
Sino ba siya sa akala niya?
Babalik ako muli sa umpisa
Noong mga panahong hindi pa siya mahalaga


Bumalik ka na parang awa mo na
Mahirap pala ang mawala ka
Hinihintay ka sa aking bawat paghinga
O kailan ka ba muling dadalaw aking sinta?


Lumipas mga araw, lumipas mga buwan.
Tuluyan ko na nga siyang nabura sa aking isipan.
Hindi ko na siya napapanaginipan.
Gumigising sa umaga nang walang panghihinayang.


Lumipas mga araw, lumipas mga buwan.
Andito lang ako nag-aabang.
Hindi kita nakakalimutan.
Walang ibang hinahangad kundi ikaw lang.

Ano'ng gagawin ngayong wala ka na?
Mag-aabang pa rin ba? Babalik ka pa ba?
Nasasaid na ang aking pasensya.
Saan na nga ba ako pupunta?


Siguro, kagaya ko, ika'y masaya na.
Kahit wala ka, di ako nag-iisa.
Ngunit ating ilang taon na pagsasama,
Hnding hindi mawawala sa aking ala-ala.


Kailangan kitang mahanap, ako'y hihingi ng tawad.
Aking pagkakamali, pinagsisisihang sagad.
Kailangan kitang mahanap, ako'y magpapasalamat.
Kung hindi dahil sa'yo, ako'y hindi mamumulat.


Pangako gagawin ko ang lahat
Kahit ako pa ang magbuhat.
Sa ating muling paghaharap,
Ikekwento ko lahat ng naganap.



Sana iyo nang nalimutan
Mga dahilan kung bakit kita iniwan.

Para naman na din kitang matalik na kaibigan.
Kaya nararapat mo din namang malaman.



Dapat mong malaman na ako'y nandito pa rin.
Mga sugat na natamo, handa kong pagalingin.
Naghilom na ang mga sugat na binigay mo sa'kin.
At sa ngayo'y muling yumayabong ang damdamin.


Sana talaga ako'y iyong mapatawad.
Lahat ng pangako't pagkakamali sa harap mo'y ilalahad.
Aking matagal na hinihiling, malapit ng matupad.
Makakamit ko na ang aking hinahangad.


At natagpuan na nga kita.
At tayo'y muling nagkita.
Pisnging namumula, kumikislap na mata..
Hindi ka man lang nangamusta
Napansing kong masaya ka na.
Ako nama'y nagtataka.

May kapiling ka na palang iba.
Ipapakilala pa naman kita.

Ano'ng Gagawin Mo?

Sunday, October 11, 2015

0 comments
Dahil may nangungulit sa akin na magpost ng bagong entry, dalawang magkasunod na post ang ihahandog ko sa inyo! lels.
Eto, ano nga bang dapat nating gawin in response sa demands ng ating mga other halves. :))))
ito na ang aking bagong entry :3
Ito ang album art ng ikatlong studio album ng wrapper na si Watsky, ang All You Can Do.


ANO'NG GAGAWIN MO?

Kung sabihin kong kailangan kita,
Ano'ng gagawin mo?

Isusuko mo ba sa'kin ang lahat
Ibibigay mo ba'y higit pa sa sapat
Tulad ng isang ilog patungong dagat
Mag-aalay nang walang sukat

O ako ba'y iyong pagdadamutan
Sa takot na hindi ka masuklian
At iyo bang tuluyang kakalimutan
Ang mga katagang aking binitiwan

Kung sabihin kong pagod na ako,
Ano'ng gagawin mo?

Papagaanin mo ba ang aking araw-araw
Ang bigat ng dibdib ba'y iyong matutunaw
Ang mausok na isipa'y bibigyang linaw
At papainitin ang puso kong giniginaw

O ako ba'y iyong tatalikuran
Sasabihin na ikaw din ay napapagod man
At ako'y iyong hahayaan
Magsasabing lilipas din yan

Kung sabihin kong mahal kita,
Ano'ng gagawin mo?

Ikaw ba'y labis na kikiligin
Ako ba'y hahagkan o yayakapin
Kasabay ng iyong mataimtim na pag-amin
Na ako'y minamahal mo rin

O ako ba'y iyong lalayuan
Hindi na makikita kailanman
Daig pa ang yong mga pinandidirihan
Dahil hinding hindi mo ako magugustuhan

Kung sabihin kong ayaw ko na,
Ano'ng gagawin mo?

Ikaw ba'y magpapaiwan sa aking tabi
Maglalambing sa araw at gabi
Para lang mabawi ang mga sandali
Na gusto ko pa sa'yo manatili

O ako ba'y tuluyan mong lalayuan
At ika'y magpaparaya na lamang
Dahil sa iyong puso't isipan
Ito lang ang natatanging paraan

Mag-usap Tayo

0 comments
Hello peeps! It has been a long time na hindi ko nauupdate ang blog na to haha. Hey blog! How are you buddy? So after X months, here is my next post. .

Ito ang album art ng 3rd studio album ni Taylor Swift, ang Speak Now

MAG-USAP TAYO

"Halika mag-usap tayo"
Yan ang laging naririnig ko sa'yo
Meron bang dapat pag-usapan?
Meron bang patutunguhan?
Wala namang nangyayari sa ating palitan
Ng mga litanyang hindi nagkakatugmaan

"Halika mag-usap tayo"
Saan na naman pupunta to?
Sa mga dati kong kasalanan
Na hilig mong balik-balikan
Sa madilim kong nakaraan
Na hinding hindi mo nalilimutan
Kung ganon lang din naman
Ang masasabi ko ay wag na lang

"Halika mag-usap tayo"
Natatakot sa sasabihin mo
May nagawa na naman ba ako
Na hindi mo nagustuhan?
Meron bang mga pangakong
Hindi ko nagampanan?
Meron ba akong pagkukulang?
Meron bang dapat punan?
Parang ayaw ko na ngang pakinggan


"Halika mag-usap tayo"
Lagi na lang ganito
Bakit usapan na naman
Di ba katatapos lang?
Wala ng kapaguran
Wala ng katapusan
Bakit hindi na lang  natin pag-isipan
At saka na yang usapan na yan

"Halika mag-usap tayo"
Wala namang nagbabago
Mga laway na nasasayang
Mga oras na lumilipad na lang
Gawa ng bwisit na usapang yan
Pinapaikot ikot lang naman
Paulit ulit na lang
Bakit hindi na natin tigilan

"Halika mag-usap tayo"
Sabihin mo na nang diretso
Hindi yung pahabaang
Hindi nagkakaintindihan
Hindi yung magulong usapan
Na lagi nating nararanasan
Tayo ay lalo pang naguguluhan

"Halika mag-usap tayo"
E paano kung ayoko
Ayoko na ng ganito
Ayoko na ng magulo
Ayoko na makipag-usap
Ayoko na magpanggap
Ayoko na pagod na ako
Ayoko na talaga. Ayoko.

Tampisaw

Tuesday, May 12, 2015

1 comments

Hey hey! Bagong post after x weeks. Sana magustuhan niyo itong bagong entry ko. Walang hugot yan! Pramis! Haha.

kung ndi ako nagkakamali, to ang 23rd album ni Ramsey Lewis, ang Wade in the Water

TAMPISAW

Naaalala mo pa ba nung nagtatampisaw sa tabing dagat
Hindi maipaghihiwalay ang ating mga balikat
Ang dalawang pares ng paa sa baybayin bumabakat
Habang dahan dahan sa buhangin ang mga paa nati'y lumalapat

Ang araw ay humahalik sa balat natin
Humahaplos sa atin ang mainit na hangin
Ating paa'y niyayapos ng pinong buhangin
Ang tamis ng eksenang ito sa baybayin
Binanggit mo nang marahan ang aking pangalan
Nilapit mo ako sa'yo ng dahan dahan
Unang pagkakataon na ang labi ko'y madampian
Dama ko ang init ng ating pagmamahalan

Naaalala mo pa ba nang tayo'y lumipad at tinangay ng hangin
Nang tumalon tayo mula sa eroplanong sinasakyan natin
Kapit-kamay nating sinuyod ang himpapawirin
Kakaibang kaba at ligaya ang ating naatim

Tayo'y muling lumipad kinagabihan
Kakaibang paglipad ang ating pinagsaluhan
Kapit-kamay tayong sinalo ng higaan
Kaba at ligaya ang nasa puso't isipan
Ang mga puso nati'y naghahabulan
Hindi maintindihan ang nararamdaman
Ngayon ko lang to mararanasan
Ang sumunod na nangyari di ko na malilimutan

Sana pala nalimutan ko na lang
Malimutan, matabunan, mabura sa isipan
Di kayang itago, di kayang pagtakpan
Gusto kong isuka ang sariling katauhan

Bakit nagbago? Bakit nag-iba?
Di ba ikaw ang dagat, ako ang balsa
Ikaw ang hangin, ako ang saranggola
Bakit tila ba nalimutan mo na?

Walang tamis na halik, walang buhay na tinig
Bakit bigla ka ba sa akin nanlamig
Kayang kaya mo akong itulak sa sahig
Ito ba ang matagal ko nang inaasam na pag-ibig?

Kung gayon nga, ayoko nang magmahal!
Ang nakaakbay mong braso para bang nananakal
Ang haplos sa mukha para bang mga sampal
Ayoko nang magmahal, di na muli susugal!

Lumipas na'ng ilang taon, lumipas na'ng panahon
Wala na ang buhangin,  wala na ang alon
Wala na ang hangin na sa ati'y sumalubong
Ngunit sa isang di inaasahang pagkakataon..

Muli kitang nakita, wala kang pinag-iba
Ang nunal mo sa leeg, mahahabang pilikmata
Ang balat mo sa pisngi sa ilalim ng kanang tenga
O bakit ba ito agad aking napupuna?

Mga ala ala'y sa aking ngayo'y bumabalik
Ang init ng dagat, ang init ng iyong halik
Ang ating paglipad, ang aking pananabik
Akala ko nabura na kita sa aking isip

Di na muli malimot sa kahit anong pilit
Lahat na ininom, lahat na hinithit
Hinahanap hanap kita, sana sa aki'y magbalik
Sana maging tayo muli, maging tayo ulit..

Wala naman nang mangyayari, walang magbabago
Di ko lang mawari, tayo ngayo'y mga estranghero
Ang malaking pagkakaiba lang natin sa ibang tao
Ang mga ala-alang pinagsaluhan natin nung meron pang 'tayo'

Ang Iniiwan at Ang Binabalikan

Tuesday, March 31, 2015

1 comments
isa sa mga album ng isa sa mga bandang sumikat nung British Invasion na 'The Equals" ay ang BABY, COME BACK

Lately, puyat ako kaya madalas akong nakakatulog sa jeep. Hindi ko tuloy matapos tapos yung akin latest na ginagawa. Huehue. For the meantime, ishshare ko lang itong isa sa mga naisulat ko pa noon..



ANG INIIWAN AT ANG BINABALIKAN

Pagdating mo'y siya'y kinikilig
Ang mga mata'y sa'yo ay nakatitig
Kung titingnan mo'y gigil na gigil
Para bang sa kanya'y walang makapipigil

Tila ang haplos mo'y inaabangan
Sa pagdampi mo'y ika'y sinasabayan
Mahahalata mong di siya mapakali
At pansin mong ayaw niyang magpahuli

Gusto niya laging siya's lalambingin
Ngunit palagi naman siyang nabibitin
Hinahanap hanap ang iyong mga kalinga
Sadyang kailanman di siya magsasawa

Sa pag-alis mo'y siya ay nalulungkot
Biglang bumababa ang nakatirik niyang buntot
Di na matanaw ang laway niyang umaapaw
Magtatago na lang at magsasabing, "Aw, Aw, Awww.."


(photo retrieved from: http://kahootsfeedandpet.com/)


Hangin

Tuesday, March 10, 2015

1 comments

Maipilit lang yung hangin haha.
2nd album ng nkotb. 

isa ito sa mga paborito kong naisulat sa jeep. dalawang biyaheng pauwi ko ito ginawa kaya may pagkahaba haha.
nainspire akong isulat ito gawa ng malakas talaga ang pasok ng hangin sa loob ng jeep. ayun. tapos naging madrama na ako hahaha.
so ito na siya:

HANGIN

O kay banayad ng hanging sa akin ay dumarampi
Dumarampi, humahaplos, dahan-dahang nangingiliti
Nangingiliti, o kay sarap, humihimas paunti-unti
Paunti-unti, nang tumagal, ay hinahanap ko na palagi

Palagi kitang hinihintay, palaging inaabangan
Inaabangan kong higit ang iyong kakulitan
Kakulitan na sa kalooban ko ay nagpapagaan
Nagpapagaan ng damdamin hanggang sa kaibuturan

Kaibuturan ng puso ko’y ikaw ang hanap
Hanap hanap sa tuwina ang iyong paglingap
Paglingap mo sa akin ay walang kasing sarap
Sarap na nadarama lamang kapag ako’y nangangarap

Nangangarap nga ba o sadyang tunay at totoo
Totoo nga bang ika’y biglang nawala at naglaho
Naglaho ka sakin, ngayon mundo’y natuyo
Natuyo na ang damdamin, nawasak pa aking puso

Puso ko’y umiiyak at tila ba nagtatangis
Nagtatangis, nagtatanong bakit ika’y umalis
Umalis na rin ang saya at ligaya kong labis
Labis tuloy nalulungkot at di nga ba’y naiinis

Naiinis ako sa sarili, aking napagtanto
Napagtanto kong inakala ko di ka na hihinto
Hihinto ka nga rin pala, bakit ba ako ganito
Ganito ko na tinatapos at isasara na’ng aking pinto

Pinto ko ay ipiniid at ako ay nanahimik
Nanahimik, namahinga ngunit mga ala-ala’y bumabalik
Bumabalik ang pakiramdam ng aking saya’t pananabik
Pananabik nga’y bumalik ngunit kasabay ang mga tinik

Tinik na sa sarili ko din naman mismo itinanim
Itinanim, ibinaon daig pa ang patalim
Patalim na ang sanhi ay ang aking pag-angkin
Pag-angkin sa hangin at pag-aakalang siya’y akin

Akin ngang pinagsisihan ang aking nagawa
Nagawa ko mang unawain ngunit anong magagawa
Magagawa ko lang ay tanggaping ika’y wala
Wala na talaga, ano bang aking inakala

Inakala kong wala ka na sa haba ng panahon
Panahon na ang nagdikta, damdamin ko’y naglaon
Naglaon na rin ang pagsayaw ng mga dahon
Mga dahon na iyong pinaindak at pinatalon

Pinatalon mo ako nang biglaan kang bumalik
Bumalik ka nga ngunit bakit parang ika’y nagagalit
Nagagalit, nanlilisik, para bang may iginigiit
Iginigiit ko sa sarili na maaaring ikaw lang ay nasasabik

Nasasabik ka nga ba ngunit ako’y napapaurong
Napapaurong dahil sigaw na ang dati mong mga bulong
Bulong ko sa sarili, “paano kita masasalubong?”
Masasalubong pa nga ba o dito sa loob ay magkukulong

Magkukulong na lang dahil labis na natatakot
Natatakot sa mga hiyaw mong nakakabangungot
Nakakabangungot, talagang nakakakilabot
Nakakakilabot nang lubos, ako ba’y iyo nang nalimot?

Nalimot mo na ba ang ating mga pinagsamahan
Pinagsamahan nating punung puno ng tawanan at lambingan
Lambingan pa ba itong ating nararanasan
Nararanasan ko ngayo’y sakit at kalungkutan

Kalungkutan sa puso’t damdamin ko ang nangibabaw
Nangibabaw na takot at kaba’y tuluyang nalusaw
Nalusaw din sa isip ko ang kanyang pagkahalimaw
Pagkahalimaw na bumungad nang siya’y bigyang tanaw

Tanaw ko ngayon ang kanyang pagbabago
Pagbabago mula sa dating ihip na ngayon na’y ipo-ipo
Ipo- ipo man siya ngunit di niya maitatago
Maitatago nga ba ang paghagulgol ng kanyang puso?

Puso ko’y hinanda sa kanyang mga hampas
Hampas na mahahapdi, nagmistulang mga himas
Mga himas noon pang magkasama kami madalas
Madalas nakangiti at kinikilig nang wagas

Wagas na masakit ang kanyang mga hagupit
Hagupit na mabagsik at talagang malupit
Malupit man ay akin na lamang ipipikit
Pipikit at iintindihin ang kanyang mga  pasakit

Pasakit man sa akin, ay akin nang hahayaan
Hahayaan ko na ring humupa ang kanyang nararamdaman
Nararamdaman kong lahat yun balang araw ay lilisan
Lilisan ang mga sama ng loob na ang sanhi ay di ko alam

Alam kong damdamin niya’y unti unti nang gumagaan
Gumagaan na rin ang paghambalos niya sa aking katawan
Katawan kong mahina ang kanyang naging sandigan
Sandigan niya ako sa kabila ng akin ding pagdaramdam

Pagdaramdam ko’y inihip na ngayon ng hangin
Hangin na siya din mismong nagpalungkot sa akin
Akin mang aaminin ako’y napag-isip-isip din
Napag-isip-isip din kung bakit lumambot ang aking damdamin

Damdamin ko’y biglang nagbago
Nagbago nang di ko alam kung paano
Paano ba nangyari ang lahat ng ito
Ito ang bagay na sa isip ko’y nakalilito

Nakalilito. Masayang masaya akong kapiling siya
Siya ma’y nawala ngunit tinanggap ko lang basta
Basta basta siyang nagbalik at ako’y sinaktan pa
Sinaktan man ako, noon pa man, siya’y napatawad ko na

Hello World!

0 comments
oo. album art yan ng 2nd album ng imago.


Ngayon ang ikalawang beses kong gumawa ng isang blog – yung una ay isangcompulsary blog (required sa isang subject namin nung high school). Ako nga pala ay isang karaniwang estudyante lamang. Masasabing ‘delayed‘ na rin ako ng isang taon sa kolehiyo. Sana naman makagraduate na ako. haha. (Dami kong time e. nagawa ko pa tong blog na to. xD)
Ginawa ko itong blog na ito para itambak dito ang mga kung anu anong sulatin o kaya naman ay insights tungkol sa kung anu anong bagay na naiisip ko. At kadalasan naman, ang mga sulatin at mga insights na ito ay mga nabubuo ko lang habang ako ay nakasakay sa jeep sa araw araw na ako’y bumibiyahe ng humigit kumulang isang oras patungo sa aking pinapasukang unibersidad.
Hindi ako magaling sumulat, hindi ko rin masasabing ako ay marunong sumulat. Sadyang mahilig lang talaga ako magsulat.
Siguro kung may nakasakay na kayo sa jeep na walang pakialam sa mundo maliban lang sa pag-aabot ng bayad habang nagsusulat sa yellow pad o kaya sa isang scratch notebook, siguro nagkasalamuha na tayo. Kung hindi, edi balang araw, baka magkatagpo din tayo. haha. aasahan ko iyon.