![]() |
oo. album art yan ng 2nd album ng imago. |
Ngayon ang ikalawang beses kong gumawa ng isang blog – yung una ay isangcompulsary blog (required sa isang subject namin nung high school). Ako nga pala ay isang karaniwang estudyante lamang. Masasabing ‘delayed‘ na rin ako ng isang taon sa kolehiyo. Sana naman makagraduate na ako. haha. (Dami kong time e. nagawa ko pa tong blog na to. xD)
Ginawa ko itong blog na ito para itambak dito ang mga kung anu anong sulatin o kaya naman ay insights tungkol sa kung anu anong bagay na naiisip ko. At kadalasan naman, ang mga sulatin at mga insights na ito ay mga nabubuo ko lang habang ako ay nakasakay sa jeep sa araw araw na ako’y bumibiyahe ng humigit kumulang isang oras patungo sa aking pinapasukang unibersidad.

Hindi ako magaling sumulat, hindi ko rin masasabing ako ay marunong sumulat. Sadyang mahilig lang talaga ako magsulat.
Siguro kung may nakasakay na kayo sa jeep na walang pakialam sa mundo maliban lang sa pag-aabot ng bayad habang nagsusulat sa yellow pad o kaya sa isang scratch notebook, siguro nagkasalamuha na tayo. Kung hindi, edi balang araw, baka magkatagpo din tayo. haha. aasahan ko iyon.
0 comments:
Post a Comment