![]() |
isa sa mga album ng isa sa mga bandang sumikat nung British Invasion na 'The Equals" ay ang BABY, COME BACK |
Lately, puyat ako kaya madalas akong nakakatulog sa jeep. Hindi ko tuloy matapos tapos yung akin latest na ginagawa. Huehue. For the meantime, ishshare ko lang itong isa sa mga naisulat ko pa noon..
ANG INIIWAN AT ANG BINABALIKAN
Pagdating mo'y siya'y kinikilig
Ang mga mata'y sa'yo ay nakatitig
Kung titingnan mo'y gigil na gigil
Para bang sa kanya'y walang makapipigil
Tila ang haplos mo'y inaabangan
Sa pagdampi mo'y ika'y sinasabayan
Mahahalata mong di siya mapakali
At pansin mong ayaw niyang magpahuli
Gusto niya laging siya's lalambingin
Ngunit palagi naman siyang nabibitin
Hinahanap hanap ang iyong mga kalinga
Sadyang kailanman di siya magsasawa
Sa pag-alis mo'y siya ay nalulungkot
Biglang bumababa ang nakatirik niyang buntot
Di na matanaw ang laway niyang umaapaw
Magtatago na lang at magsasabing, "Aw, Aw, Awww.."
![]() |
(photo retrieved from: http://kahootsfeedandpet.com/) |
1 comments:
Awwiiee sa mga bantay na naiiwan sa bahay #man'bestfriend
Post a Comment