Woa. So i'm back to blogging again :))
itong tulang ito ay sinulat ko pa nung kapanahunan nung APEC summit. nakasakay ako nun sa bus to cubao and, as we can all recall, the traffic situation sa slex and sa edsa was unreal. so ayun, nagkaroon ako ng pagkakataong magsulat haha

![]() |
Ito nga pala ang final album ng bandang Adorable, and Fake |
HUWAD NA HARI
Meron nga bang patutunguhan ang aking paglalakbay
O ako ba'y kakalawangin na lamang sa pag-aantay
Ang aking katawang namamanhid, nangangalay
Ang aking pasensyang nasasaid, namamatay
Paglalakbay pa nga ba ang maitatawag
Kung puro pag-antabay ang inaatupag
Mas mabuti pa yata ang maglakad
Kesa antayin ang ndi dumarating na paglipad
Nasaan na ang kapangyarihan ng mga hari
Ayan nawawala palibhasa puro kunwari
Tila mga aliping nanginginig sa takot
Nakadapa sa sahig at sa lupa'y nakatanghod
Ano ba ang inyong mga problema?
Natagurian pa namang mga kalsada
Bakit jan kayo pumaparada?
Wala na ba kayong mapiling iba?
Kung ako lang talaga ang papiliin
Ang sarili ko ay palalayain
Ang kadena ng hari ay aking babaklasin
Ang maliit na pag-asa'y bubuhayin
Kesa naman tumunganga na lang
Nakatulala sa kawalan
At iasa ang kahihinatnan
Sa haring walang ka alam alam
Kundi ang pumarada ng walang hanggan
0 comments:
Post a Comment