Ang Mga Lihim Na Salita Mo Para Sa Akin
Sinabi mo mahal mo ako
E bakit ganito?
Sinasaktan mo lang ako
Ganyan ba ang pagmamahal mo?
Sinabi mo uunawain mo ako
E bakit ka puro reklamo?
Lahat na lang ginawa ko
Nagiging mali pa rin sa’yo
Sinabi mo kailangan mo ako
E bakit ako’y tinataboy mo?
Isa na akong sakit ng ulo
Isang pigsa, isang kuto, isang kulugo
Sinabi mo mahal mo ako
Buong puso ko binigay ko sa’yo
Bakit ganyan ang binabalik mo
E di ba mahal mo ako?
Ganyan ka ba talaga magmahal?
Nangangako kang magtatagal
E bakit nananakal
Yan ba ang pagmamahal?
Sobra akong nalilito
Umaasa sa mga pangako mo
Ngunit nadudurog ang puso ko
Ano bang paniniwalaan ko?
Pero wag mo na lang sana sagutin
Wala ng tiwala sa’yong sasabihin
Litong lito aking damdamin
Wag mo na akong paasahin
Mahal kita, yan ang totoo
Mahal na mahal kita, mahal ko
Pero nahihirapan din naman ako
Wag na sana tayong ganito
Wag naman sana puro salita
Wag naman sana puro “mahal kita”
Gusto ko lang namang madama
Hindi yung nagmumukha tayong tanga
Dahil sa puso ko’y may kaba
Wag mo ng abangan sana
Kasi sa susunod baka ako na
Ang magsabi sa’yong “ayoko na.”
0 comments:
Post a Comment