Silong

Friday, June 24, 2016

Hello online world! Kamustaa? :)) This is a short poem na sinulat ko nung biglang bumuhos yung ulan. Actually, sa phone ko siya ginawa habang nasa lab. So yea. 
Anyway, masaya ako na hindi na uso yung Tatlong Bibe na nursery rhyme. haha. naalalala ko lang talaga kasi ung sa OTJ pag naririnig ko yung kantang yun. e un ung pinakaayaw kong part nung movie -_-
Since movies na din naman, haha, sobrang ayaw kong gawing title yung Silong kasi naiisip ko ung 'Silong' na movie. ung kay piolo at kay rhian ramos na medyo weird hahaha.
Anyway, andami kong sinabi -_- ito na siya haha. 


Ito ang 10th studio album ng bandang Queensrÿch, ang Take Cover.


SILONG

Sa hapong makulimlim
Tila nababalot ng lagim
Ay sadyang nagniningning
Pag-ibig mong kay lambing

Sa kabila ng malausok na alapaap
Animo'y mabubulok na ang ulap
Pag-ibig mo'y nalalanghap
Sadyang walang kasing sarap

At sa ligalig nang pagbagsak ng ulan
Mga kulog na nagyayabang
Bulong ng puso mo'y naririnig
Umaapaw na pag-ibig

At sa pag-ihip ng hanging kay lamig
Ikaw ang remedyo sa panginginig
Ang pag-ibig mong maamo at mainit
Niyayakap ako ng kay banayad at higpit

0 comments:

Post a Comment