Hello cyberworld. ugh. ang tagal ko ng ndi nakakapagpost. so this one is my latest writing so far. sana maenjoy niyo siya though mejo bitter siya sabi nila. meh. -_-
![]() |
Ito nga pala ang fourth album ng bandang Bamboo, ang Tomorrow Becomes Yesterday. (I really liked this album lalo na yung kantang Muli. Pakinggan niyo, dali!) |
KAHAPON
Naaalala ko pa kung papaano mo ako tinalikuran
Tinaboy mo ako na tila ba nilalapastangan
Ipinamukha mo sa akin nang harap harapan
Kung gaano mo ako ka-hindi kailangan
Naaalala ko pa kung papaano mo ako itinapon
Kasa-kasama ang mga alaala ng ating mga kahapon
Sa dagat ng ating pagmamahalan, ikaw ay umahon
Ngayo'y nag-iisa, nalulunod, tinatangay na lang ng alon
Naaalala ko pa kung paano ako umasa
Na sana ika'y bumalik at remedyuhan ang pagdurusa
Na sana ika'y nabigla lamang at ako'y mahal mo pa
Sana. Sana. Sana. May matutupad pa ba?
Naaalala ko pa kung paano kita tiniis
Ang hirap ng pagngiti mula nang ika'y umalis
Ang aking pinagdaanan para sa isip ko'y malihis
Ang iyong mukha, ang iyong ngiti, ang pag-ibig mong kay tamis
Naaalala ko pa ang bigat ng araw araw
Sa aking dalamhati, ang antok hindi makadalaw
Balde ng aking luha'y walang humpay na umaapaw
Sa iyong mga kamay, ako pa kaya'y makabibitaw?
Naaalala ko pa nung biglang nawala ka
Nawala ka na lang basta sa aking mga pinoproblema
Maghapon, magdamag, di ka na maalala
Ngayo'y nakangingiti na nang buong ligaya
Wala sa hinagap na ito'y mangyayari
Makakayanan ko pala na wala ka sa aking tabi
Ngayon ang buhay ko'y parang isang bahaghari
Makulay, abot-langit, at tinitingala ng marami
Totoo ngang pag nadadapa ay pwedeng bumangon
Ika'y pinapalakas ng mga pasakit ng kahapon
Lahat ng nagwawala ay nagiging mahinahon
Panahon lang pala ang kasagutan. Panahon lang ang maghihilom
Walang pasabi, ika'y biglang dumating
At iyong sinasabing ako'y mahal mo pa rin
Hindi ko mawari kung ano'ng gagawin
Di ba nawala ka na! Ano bang nais mong maatim?
At ayan ka na naman, kagaya nung una
Ako'y dinadaan mo sa iyong mga surpresa
Tsokolate, bulaklak, pasalubong, lahat na
Di mo ba alam meron na akong iba
Meron na akong iba. Ano ba?! Tumigil ka na
Sige na parang awa mo na. tumalikod ka. Umalis ka na
Payapa na ang mundo ko. Kinalimutan na kita.
Tapos na ako sa'yo. Tapos na tayo. Kinalimutan na kita, di ba?
Subalit bakit ganun? Bakit ganito? Bakit nga ba?
Bumabalik sa akin ang lahat ng ating ala ala
Ang iyong mukha, ang iyong ngiti, ang iyong pagsinta
Di ko maintindihan. Ang gulo. Bakit parang mahal pa kita?
Matapos na ang lahat ng sa ati'y naganap
Matapos mong wasakin ang ating mga pangarap
Hinding hindi ko ito matatanggap
Bakit parang ikaw pa rin ang aking hanap hanap
Ako'y naiinis at nasasabik
Nais ipatikim aking galit at mga halik
Nalilito sa'yo at sa sarili kong di makaimik
Ano ba'ng gusto mo? Bakit ka pa bumalik?
0 comments:
Post a Comment