Ang Cliff ay ang 1959 debut album ng British singer na si Cliff Richard at ng kanyang banda na The Drifters. Ang album ay isang live-in-the-studio na pag-record ng maagang rock and roll nina Richard at ng Shadows sa harap ng isang inanyayahang audience na may ilang daang tagahanga. Ito ay naitala sa loob ng dalawang gabi noong Pebrero 1959 sa Studio 2 ng EMI Recording Studios. |
ANG BANGIN
At ngayon, tayong dalawa'y nasa bangin
Ika'y nasa taas at ako'y nakalambitin
Tanging ikaw ang sumusuporta sa akin
Para hindi ako kainin ng dilim sa ilalim
Mahigpit akong nakakapit sa iyong braso
Ganun din kahigpit ang mga kapit mo
Ginagawa mo ang lahat para hindi ako malaglag
Nagtitiwala nang tapat ngunit puso ko'y di mapanatag
Sa isang kisapmata, ang lahat ay nag-iba
Ako na lang pala ang nakakapit sa ating dalawa
Ayaw mo na ba? Pagod ka na? Bakit bumibitaw ka na?
Ang isip ko'y binaha ng pagtataka
Naalala ko bigla ang mga masasayang sandali
Ang iyong nakakahawang tawa, matatamis na ngiti
Ang iyong mga matang tinititigan ko nang walang sawa
Ngayo'y nakatingin sa mga mata kong nagmamakaawa
Nag-aalangan ngayon ang isip ko't damdamin
Di ko alam kung alin ang aking uunahin
Alam kong nahihirapan ka na sa kalagayan natin
Ngunit ayoko namang mahulog sa nagbabadyang dilim
Maaari ka bang mapagod sa pagbitiw
Sumusuko ka na ba sa atin, o giliw
Mauuna ba akong mapapagod sa pagkapit
Alam kong ang kasagutan ko'y nalalapit
At sa isang iglap, bumalik sa akin ang lahat
Matataas na pangarap, mga away na walang awat
Mga pagsubok na ating napagtanto
Mga nag-udyok kung bakit tayo nagkaganito
Hindi nagdadalawang isip na ako'y bumitaw sa iyong bisig
Mawalay ka man sa akin, ngunit hindi ang aking pag-ibig
Ako'y pumikit at hinanda ang puso kong nangangamba
Pinapakawalan na kita sa bigat na iyong nadarama
Siguro, sa kadiliman ng ating mga duda at katanungan
Sa ilalim ng katarikan, matatagpuan ating mga kasagutan
Maaaring ito rin ay sigaw ng iyong puso't isipan
Kaya nung kita'y pinakawalan, sumunod ka ng walang alinlangan.
0 comments:
Post a Comment