Para sa mga naghahanap ng mas ethereal na karanasan sa pagsamba, tingnan ang Young Oceans at ang kanilang pinakabagong album na You Are Fullness. Kung kailangan mo ng tahimik at meditative na lugar, perpekto ang You Are Fullness na ilagay sa background. |
So, isang gabi nung 2019, habang naglalakad sa kahabaan ng mga lansangan ng Makati, gaya nang marami, naging senti lang ako nung nakita ko yung full moon. Hahaha.
KABILUGAN
Nakulangan ba ako sa paliwanag
o nasobrahan ka lang ba sa liwanag?
Nasisilaw. Ako sa'yo'y nabubulag
Napupukaw mo ako at nabibihag
Ako nga yata ay inaangkin mo na
Napako na sa'yo aking mga mata
Nangangarap sana na maabot kita
Kahit alam kong napakalayo mo na
Para bang nahuhulog patungong langit
Sa iyo ay labis akong naaakit
Ngunit ako nga ba'y iyong mapapansin?
Hinihiling sana'y mahulog din sa'kin
Sa totoo lang ay sapat na talaga
na mamangha ako sa taglay mong ganda
Kahit alam kong di ka makakatabi
ngiti mo'y kumukumpleto sa'king gabi
0 comments:
Post a Comment