Dalawang taon matapos ang Strange Effect, ang grupong Parisian ay bumabalik sa Half Asleep Half Awake, ang pangalawang album na magbabalik ng iyong pananampalataya sa rock. Paano? Sa pamamagitan ng isang pinagsanib na koleksyon ng mga napaka-tunog na hit, maliwanag na melodiya, at mga demonikong jam na magpapaapoy sa iyong mga daliri. At ang mga solo sa drum at gitara ay pina-infuse ng phaser. Isang album kung saan ang alkemya at mga eksperimento ay nagbibigay buhay sa kasabikan, kabangisan, at damdamin. |
So itong tulang ito ay naisulat ko nung 2018 ba o 2019? Basta noon dun sa ilalim ng buwan at tala ng kalangitan nang isang madaling araw sa kanto ng mga kalye ng Amorsolo at Dela Rosa habang nag-aabang ng mga elementong nagpaparamdam mula sa Makati Med.
ALIMPUNGAT
Naaalala ko pa nang bumagal ang oras
Nadadala lamang ng mabagal na kumpas
Madamdaming komposisyon. Romantikong musika
Naaantig na emosyon sa pagkakataong kasama kita
Naaalala ko pa nang ang puso ko'y natunaw
Ang iyong mahika pag nasisilayan ka sa ilalim ng araw
Ang iyong ngiti, mga pananaw , at buong pagkatao
Aking mithi na ako't ikaw ay hindi magbabago
Naalala ko pa nang binulungan ako ng hangin
Para bang natutuwa, nagdidiwang na ikaw ay akin
Nagmula sa panaginip, natupad, nagkatotoo
Tiwala ang puso at isip na mahal kita at mahal mo ako
Ngayo'y nagbabalik ang pagbagal ng oras
Nang iyong sinasambit na pag-ibig mo'y kumupas
Ang puso ko'y nabibingi sa ingay ng isip kong malala
Sa lahat pa ng hiningi, bakit pa iyong pagkawala
Ang kumpas ng maestra di ko na masabayan
Ang dahas ng orkestra. Himno ng kaguluhan
Ngayo'y nagbabalik ang puso kong natutunaw
Unti-unting lumiliit, tuluyan nang nagugunaw
Ngayo'y nagbabalik ang pagbulong ng hangin
Parang naninisik na ulupong, nagbabanta sa akin
Paulit ulit nyang binabanggit ang iyong pangalan
Paulit ulit nananaig ang sakit na pinagdaraanan
Isang pangarap na nakamit, isang panaginip na totoo
Hindi mahanap kung bakit, hindi maiisip kung paano
Bakit kailangang magising agad sa katotohanang ito
Kung di matatakasan ang realidad, magpapaalam na lang ako
0 comments:
Post a Comment