Ang All We Know Is Falling ay ang debut studio album ng American rock band na Paramore, na inilabas noong Hulyo 26, 2005, sa ilalim ng Atlantic-distributed Fueled by Ramen sa Estados Unidos. Karamihan ay nakategorya bilang pop-punk album, nakatanggap ang album ng karamihan sa mga positibong pagsusuri at tinaguriang 'scene classic.' |
NAHUHULOG
Ang ating pag-ibig parang taglamig at tag-init
Ang ating pag-ibig parang makulimlim at banayad na langit
Ang ating pag-ibig parang pagsikat ng araw
Ang ating pag-ibig parang isang malaking sugal
Wag mo akong hayaang matalo
Ako'y lalong nahuhulog sa'yo
Ang puso mo sa akin ay umaawit
Ang puso mo sa akin ay nakapanakit
Ang puso mo'y dinala ako sa kalangitan
Ang puso mo'y nagbigay ng tunay na kaligayahan
Ano na ang gagawin ko?
Ako'y lalong nahuhulog sa'yo
Paminsan minsan ay di nagkakaunawaan
Sa bawat araw ay bagong karanasan
Sa ngalan ng ating pagmamahalan
Pareho tayong may pagkukulang
Ngunit lagi mong tatandaan
Lahat ng iyong pagkakamali at pagkukulang
Ay aangkinin ko gaya ng pagtanggap ko sa'yo
Ako'y lalong nahuhulog sa'yo
At bigla bigla na lang..
Ang aking bawat hininga
Ang aking bawat nadarama
Lahat ay para sa iyo.
At tulad mo
Na naging para sa akin
Wala ng ibang hihilingin.
Walang makakasalo sa akin gaya ng pagsalo mo
Ako'y lalong nahuhulog sa'yo
Lahat ng nakikita ko ay tungkol sa'yo
Lahat ng nararamdaman ko ay para sa'yo
Ang buong ikaw ay para sa akin
Ang buong ako ay para sa'yo
Sige lang mahulog ka lang sa akin
Dahil ako'y lalong nahuhulog sa'yo
0 comments:
Post a Comment