Ang The Final ay isang greatest hits album na inilabas noong 1986 upang buuin ang karera ng English pop duo na Wham!. Ang album ay hindi agad inilabas sa North America, kung saan ang album na Music from the Edge of Heaven ang inilabas sa halip. Anim na kanta mula sa album na iyon ay lumabas sa compilation na ito. Ang compilation album ay sabay na inilabas sa farewell concert na may parehong pangalan noong Hunyo 28, 1986, sa Wembley Stadium. |
Soooo. Another sadboi tula nung 2017. HAHAHAHA.
HULI
maginaw na pagtrato
walang ganang mga tono
unti unti kang nagbago
biglaan akong nanibago
ako ang may gawa
wala namang ginawa
kaya wala ng magagawa
gusto mo ng mawala
patawad sa aking kasalanan
oo. patawad na naman.
patawad na lagi mong napapakinggan
hanggang sa mga patawad na lang
pero hayaan mo ito na ang huli
di mo na kailangan mag atubili
di mo na kailangan makipag ayos
ako na ang magtatapos
sa'yo ko nilalaan ang ang aking huling tula
natuyo na ng hangin ang huling patak ng luha
salamat sa alaala at sa damdaming pansamantala
magpapaalam na ako sa iyong sistema
malaya ka na sa aking pang aabala
0 comments:
Post a Comment